Proklamasyon ng mga nanalong senador at party-list groups, itinakda na ngayong araw

By Rhommel Balasbas May 22, 2019 - 01:59 AM

Comelec photo

Itinakda na ng Commission on Elections (Comelec) ang proklamasyon ng mga nanalong senador at party-list groups sa nagdaang May 13 elections.

Sa anunsyo ng Comelec, ang proklamasyon ng winning senators ay ngayong alas-10:00 ng umaga na.

Bawat senador ay maaaring magsama ng limang guests.

Nakatakdang magbigay ng mensahe si Senator Cynthia Villar batay sa proclamation programme na ipamamahagi ng Comelec.

Samantala, ang party-list groups naman ay maipoproklama alas-7:00 ng gabi.

Magaganap ang seremonya sa Philippine International Convention Center (PICC) Forum 2.

Martes ng gabi ay natapos na ng Comelec na tumatayo bilang National Board of Canvassers (NBOC) ang canvassing ng 167 Certificates of Canvass (COC) sa nagdaang halalan.

TAGS: 10am, 7pm, comelec, May 13 elections, May 22, nanalong party-list, nanalong senador, NBOC, PICC, proklamasyon, 10am, 7pm, comelec, May 13 elections, May 22, nanalong party-list, nanalong senador, NBOC, PICC, proklamasyon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.