PNP, bubuo ng special units sa areas of immediate concerns sa eleksiyon

Ricardo-marquez
Inquirer file photo

Inirekomenda ng Philippine National Police ang pagbubuo ng Police Special Action Unit na hahawak sa mga posibleng marahas na election-related incidents sa Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM.

Ito ang naging pahayag ni PNP Chief Director General Ricardo Marquez sa kanyang pagbisita sa Camp Salipada Pendatun sa Maguindanao noong Biyernes.

Ayon kay Marquez, ikinukunsidera ng Commission on Elections ang mga probinsya ng Lanao del Sur at Maguindanao na “areas of immediate concern.”

Kabilang aniya sa paramaters para sa pagbuo ng special police unit sa ilalim ng direktiba ng Comelec ay ang matinding labanan ng mga pulitiko na mayroong sariling private armed groups (PAGs) at ang pag-laganap ng loose firearms sa ARMM.

Dagdag pa ni Marquez, ang ARMM ang may pinakamataas na bilang ng PAGs sa lahat ng mga rehiyon sa bansa.

Bukod dito, nag-alok na aniya ang PNP ng serbisyo ng isang mediation team na tutulong sa pagpapababa ng tensyon sa pagitan ng mga politican clan sa panahon ng kampanya at eleksyon sa 2016.

Kasabay nito, umapela si Marquez ng karagdagang tulong at kooperasyon ng mga sibilyan sa posibleng pananabotahe sa ARMM polls ng mga teroristang grupo katulad na lamang ng Abu Sayyaf, Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at iba pang masasamang-loob na lumalabag sa batas.

Read more...