9 patay, 15 sugatan matapos mahulog ang pampasaherong jeep sa bangin sa Albay

By Len Montaño May 21, 2019 - 10:06 PM

Credit: Jeric Bhor

Siyam katao ang patay habang 15 iba pa ang sugatan matapos maghulog ang isang pampasaherong jeep sa bangin sa Sitio Hulandig, San Jose sa bayan ng Libon sa Albay Martes ng hapon.

Ayon sa pulisya, 30 ang sakay ng jeep habang bumabagtas ito sa daan papuntang Poblacion.

Pagdating sa kurbadang bahagi ng Barangay San Jose ay nawalan umano ng preno ang sasakyan at nahulog ito sa bangin.

Credit: Jeric Bhor

Dead on the spot ang mga biktima pagkahulog ng jeep sa siyam na talampakang bangin.

Agad namang dinala sa mga ospital ang mga sugatang biktima.

Hinahanap ng pulisya ang tumakas na driver ng jeep.

Patuloy ang imbestigasyon sa aksidente.

TAGS: 15 sugatan, 9 patay, Albay, dead-on-the-spot, Jeep, Libon, nahulog sa bangin, nawalan ng preno, 15 sugatan, 9 patay, Albay, dead-on-the-spot, Jeep, Libon, nahulog sa bangin, nawalan ng preno

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.