Sa kanilang Advisory dakong 9:15 ng gabi, nakasaad na walang ramp movement, pareho sa eroplano at mga tauhan ng paliparan mula alas 6:54 ng gabi hanggang alas 8:32 ng gabi dahil sa Red Lightning Alert.
Ayon sa MIAA, ang hakbang ay bilang pag-iingat para maiwasan ang anumang pangyayari kapag mayroong pagkidlat na pwedeng maka-apekto sa operasyon ng mga biyahe ng eroplano.
Humingi ng pang-unawa ang MIAA sa publiko sa anumang delay sa pagkuha ng mga bagahe o sa proseso ng koleksyon ng bagahe.
Iginiit ng MIAA ang halaga ng kaligtasan ng mga flight at airport workers para sa operasyon ng paliparan.
Dakong 7:23 ng gabi ng maglabas ang Pagasa ng thunderstorm advisory sa Metro Manila at kalapit na mga lalawigan na tumagal ng 2 oras.