MIAA nag-abiso ng ‘Red Lightning Alert’ sa NAIA

By Len Montaño May 21, 2019 - 09:53 PM

Nag-abiso ang Manila International Authority Airport (MIAA) ng “Red Lightning Alert” sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa pagkidlat kasabay ng malakas na pagbuhos ng ulan Martes ng gabi.

Sa kanilang Advisory dakong 9:15 ng gabi, nakasaad na walang ramp movement, pareho sa eroplano at mga tauhan ng paliparan mula alas 6:54 ng gabi hanggang alas 8:32 ng gabi dahil sa Red Lightning Alert.

Ayon sa MIAA, ang hakbang ay bilang pag-iingat para maiwasan ang anumang pangyayari kapag mayroong pagkidlat na pwedeng maka-apekto sa operasyon ng mga biyahe ng eroplano.

Humingi ng pang-unawa ang MIAA sa publiko sa anumang delay sa pagkuha ng mga bagahe o sa proseso ng koleksyon ng bagahe.

Iginiit ng MIAA ang halaga ng kaligtasan ng mga flight at airport workers para sa operasyon ng paliparan.

Dakong 7:23 ng gabi ng maglabas ang Pagasa ng thunderstorm advisory sa Metro Manila at kalapit na mga lalawigan na tumagal ng 2 oras.

TAGS: bagahe, delay, kidlat, MIAA, NAIA, Pagasa, ramp movement, Red Lightning Alert, thunderstorm, ulan, bagahe, delay, kidlat, MIAA, NAIA, Pagasa, ramp movement, Red Lightning Alert, thunderstorm, ulan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.