PMA, idineklara bilang isang national historical landmark
Idineklara na ang Philippine Military Academy (PMA) ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
bilang isang historial landmark.
Ito ay para bilang pagkilala ang naging malaking kontribusyon nito sa kasaysayan.
Personal na iprinisinta ni NHCP Executive Director Ludivico Badoy ang historical marker sa main gate ng PMA bandang 4:00, Martes ng hapon.
Binigyang pagkilala rin ang mahaba at dekalidad na military education na ibinibigay ng PMA.
Pinirmahan naman ni Brig. Gen. Nestor Rayos, assistant superintendent ng PMA, ang certificate of recognition.
Nagpasalamat din ni Rayos sa binigay na pagkilala ng NHCP sa PMA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.