Ex-DFA Sec. Albert Del Rosario, naglabas ng pahayag sa pagharang kay Morales sa Hong Kong

Naglabas ng pahayag si dating Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Albert Del Rosario kaugnay ng pagharang kay dating Ombudsman Conchita Carpio Morales sa Hong Kong Airport, Martes ng hapon.

Ayon kay Del Rosario, isa sa mga rason kung bakit naghain sila ni Morales ng kaso sa International Criminal Court (ICC) ay upang maitulak ang pambubully at pang-haharass na nararanasan ng bansa mula sa China.

Ang pagharang aniya ng mga immigration authorities kay Morales bilang isang security risk ay maaring dahil sa kaso at parehas lamang ito sa ginagawa sa Pilipinas.

Nagpaabot naman taos-pusong pasasalamat si Del Rosario sa tulong ng DFA sa dating Ombusdman.

Read more...