Sundalo, patay sa pag-atake ng umano’y NPA sa Northern Samar

By Angellic Jordan May 21, 2019 - 07:36 PM

Patay ang isang sundalo matapos umatake ang hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa isang kampo ng militar sa Laoang, Northern Samar Martes ng madaling-araw.

Ayon kay Lt. Col. Allan Gullem, commanding officer ng 20th Infantry Battalion, nagtalaga ng ilang sundalo sa bahagi ng Barangay EJ Dulay para bantayan ang Samar Island Road Project.

Naghahanda aniya ang mga sundalo para sa pagpatrolya nang biglang umatake ang NPA.

Nasawi si Corporal Alex Saliwan sa pag-atake ng hindi bababa sa 50 rebelde.

Tumagal nang 30 minuto ang bakbakan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at NPA.

Samantala, dalawa naman sa hanay ng mga rebelde ng napaulat na nasawi sa engkwentro.

TAGS: Corporal Alex Saliwan, northern samar, NPA, Corporal Alex Saliwan, northern samar, NPA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.