Pilipinas, hindi maaring kwestyunin ang pagharang kay Morales sa Hong Kong – DOJ
Hindi maaring kwestyunin ng Pilipinas ang pagharang ng mga immigration officer kay dating Ombudsman Conchita Carpio Morales, ayon sa Department of Justice (DOJ).
Magbabakasyon sana si Morales kasama ang kaniyang pamilya nang harangin sa isang paliparan dahil sa umano’y pagiging ‘security threat’ nito sa naturang bansa.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, may eksklusibo at karapatang harangin ang pagdating ng sinumang papasok na dayuhan sa kanilang bansa.
Hindi lang aniya nito makita ang rason kung bakit hindi pinahintulutang makapasok si Morales sa Hong Kong.
Maliban na lamang aniya sa inihaing reklamo nito at ni dating Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario laban kay Chinese President Xi Jinping sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague dahil sa isyu sa West Philippine Sea (WPS).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.