11 katao sugatan sa pagsabog ng granada sa Camarin, Caloocan

By Chona Yu December 13, 2015 - 01:32 PM

caloocanSugatan ang labingisa katao matapos sumabog ang isang granada sa Camarin, Caloocan City kaninang umaga.

Kabilang sa mga sugatan ang isang 11 anyos na batang lalaki.

Isinugod sa pagamutan ang mga biktima sa Tala General Hospital.

Nabatid na naglalaro ng bilyar ang mga biktima sa Sampaloc Street, Basilio 5 nang dumating ang isang lalaki na nagngangalang alyas Kabeb.

Hinahanap umano ni Kabeb ang isang alyas Kokoy.

Gayunman nang hindi makita si Kokoy, bigla na lamang hinagisan ng granada ni Kabeb ang mga biktima.

Hinahanap na ngayon ng mga pulis ang suspek.

TAGS: 11 wounded after a grenade blast in Caloocan, 11 wounded after a grenade blast in Caloocan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.