Ex-Ombudsman Morales, hinarang sa Hong Kong airport

By Angellic Jordan May 21, 2019 - 04:00 PM

Inquirer photo

Hinarang si dating Ombudsman Conchita Carpio Morales ng mga immigration officer sa paliparan sa Hong Kong, Martes ng hapon.

Sa isang panayam, sinabi ni Atty. Anne Marie Corominas na tumawag sa kaniya si Morales para ipaalam ang kaniyang sitwasyon sa Hong Kong.

Matatandaang naghain ng reklamo sina Morales at dating Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario laban kay Chinese Presidente Xi Jinping sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague.

Kaugnay ito sa nais na pagsasagawa ng imbestigasyon sa agawan ng teritoryo sa South China Sea.

Ayon kay Corominas, walang nagawang krimen si Morales. Ginagawa lamang nito ang kaniyang karapatan bilang isang mamamayang Filipino.

 

TAGS: Conchita Carpio-Morales, International Criminal Court (ICC), Office of the Ombudsman, Conchita Carpio-Morales, International Criminal Court (ICC), Office of the Ombudsman

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.