Ito ay matapos iulat ng PNRI ang kanilang pag-aaral na 15 sa 17 brand ng suka sa mga pamilihan ay gawa sa synthetic acetic acid.
Gayunman, sinabi ng PNRI na wala pang basehan na nagdudulot ito ng sakit ng cancer sa mga konsyumer.
Sa inilabas na pahayag, sinabi ng Laban Konsyumer na dapat ding humingi ng paumanhin sa publiko ang PNRI dahil sa idinulot sa pagkabahala ng mga konsyumer.
Sinabi nito na dapat ding ilabas ng Department of Health (DOH) at Food and Drug Administration (FDA) ang umano’y mislabeling violation ng mga brand ng suka.
Dagdag pa nito, dapat itong ipa-recall at patawan ng multa batay sa Food Safety Law at Consumer Act.