P534M na multa sa Manila Water, posibleng madoble – MWSS
Posibleng madoble ang ipinataw na P534 milyong multa sa Manila Water, ayon sa Metropolitan Waterworks and Sewerage Services Regulatory Office (MWSS-RO).
Ito ay bunsod ng naranasang water service interruption noong buwan ng Marso.
Ayon kay MWSS Chief Regulator Patrick Ty, ang multa ay para sa unang tranche ng water interruption para sa unang 15 araw.
Kung hindi aniya mababalik sa normal na operasyon bago sumapit ang Agosto o Setyembre, posibleng madoble ang multa.
Maari aniyang panibagong P534 milyon ang ipabayad sa Manila Water.
Matatandaang inanunsiyo ni Ty na makatatanggap ang mga konsyumer na matinding naapektuhan ng P2,197.94 na rebate. Mababawas ito sa kanilang water bill simula sa buwan ng Hunyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.