Natanggap na election return ng PPCRV, nasa 60 porsyento na
By: Chona Yu
- 6 years ago
Natanggap na ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ang nasa 60.09 percent ng election returns sa bansa. Hanggang 12:51, Martes ng madaling-araw, lumabas sa datos ng poll watchdog na aabot na sa 51,538 sa 85,679 na physical election returns ang kanilang natatanggap. Sa nasabing bilang, 24,331 rito ay mula sa mga probinsya sa Luzon habang 15,334 naman sa Visayas at 4,700 mula sa Mindanao. Nasa kabuuang 7,173 na election returns naman ay mula sa National Capital Region (NCR). Samantala, nasa 99.98 percent ang huling napaulat na match rate ng PPCRV sa bilang ng mga boto.