Pagbibitiw ni Pangilinan bilang LP president, commendable – Palasyo
Saludo ang Palasyo ng Malakanyang sa ginawang pagbibitiw ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan bilang president ng Liberal Party (LP) dahil sa pagkatalo ng lahat ng kandidatong senador ng Otso Diretso sa katatapos na May 13 midterm elections.
Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, commendable ang ginawa ni Pangilinan.
Kahanga-hanga aniya na maluwag na tinanggap ni Pangilinan ang pagkatalo ng taga-Otso Diretso.
Malinaw aniya ang naging hatol ng bayan na ayaw ng mga ito sa mga kandidato ng Otso Diretso.
Payo ni Panelo sa mga kritiko na itinuturing na referendum ang katatapos na eleksyon, mag-focus na lamang sa performance ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Una rito, sinabi ng mga kritiko na referendum na ng punong ehekutibo ang katatapos na eleksyon sa 2022 matapos manaig ang kaniyang mga pambatong senador.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.