Proklamasyon hindi pa maisasagawa ngayong araw ayon sa Comelec

By Dona Dominguez-Cargullo May 21, 2019 - 12:54 PM

Hindi pa maisasagawa ngayong araw ang proklamasyon sa mga nanalong kandidato sa pagka-senador.

Inaunsyo ito ni Commission on Elections Spokesperson James Jimenez sa katatapos na press briefing sa PICC.

Ayon kay Jimenez, hindi pa rin kasi dumarating ang resulta ng overseas absentee voting mula sa USA.

Nagpasya aniya ang National Board of Canvassers (NBOC) na hintayin ang naturang resulta para masigurong pinal ang magiging ranking ng mga mahahalal na senador.

Inabisuhan na ayon kay Jimenez ang mga senador sa naging pagbabago sa schedule.

Sa ngayon, sinabi ni Jimenez na maaring bukas, Miyerkules o sa Huwebes na gawin ang proklamasyon.

Binanggit ng Comelec ang time difference at waiting time sa pag-transport ng resulta mula sa Los Angeles patungo sa Board of Canvassers na dahilan ng matagal na pagdating ng resulta.

Ang resulta kasi aniya mula sa LA ay ibiniyahe patungo sa Washington DC parasa canvassing.

Wala pa rin sa opsyon ng Comelec ang partial proclamation.

TAGS: Canvassing, comelec, Jimenez, Proclamation, senatorial elections, Canvassing, comelec, Jimenez, Proclamation, senatorial elections

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.