Bottled water sa eksena ng GOT finale hindi nakaligtas sa mata ng fans

Hindi nakaligtas sa mapanuring fans ang plastic bottle na nakita sa isang eksena sa inabangang finale ng “Game of Thrones”.

Ang nasabing eksena ay nagpapakita ng pulong ng Westeros leaders, kung saan naispatan ng fans ang bottled water sa tabi ng binti ni Samwell Tarly (John Bradley).

Ang screenshot at videos ng nasabing eksena ay agad ibinahagi sa social media ng netizens.

May nakita ring bottled water malapit kay Ser Davos (Liam Cunningham).

Kamakailan binatikos na rin ng netizens pagkakasama ng disposable coffe cup ng Starbucks sa episodes ng GOT.

Ayon kay Emilia Clarke, ang nasabing cup ay maaring pag-aari ng crew member ng serye.

Marami naman ang nadismaya sa hindi pagiging maingat ng ng mga nasalikod ng show.

 

Read more...