Lionsgate Film kinumpirma ang “John Wick 4” sa 2021

By Jimmy Tamayo May 21, 2019 - 12:31 PM

Kinumpirma ng movie company na Lionsgate na may susunod na sequel ang blockbuster na John Wick.

Bilang tugon sa mga fans ng nasabing karakter na ginagampanan ni Keanu Reeves, inihayag ng kompanya na magkakaroon ng John Wick: Chapter 4 na ipalalabas sa May 21, 2021. “You have served. You will be of service. John Wick: Chapter 4 is coming – May 21, 2021.”

Ang nasabing pelikula ang nangunguna ngayon sa takilya sa Amerika at pumalit sa No. 1 spot na dating inookupa ng “Avengers:Endgame.”

Sa pagbubukas sa mga sinehan ang “John Wick: Chapter 3-Parabellum” ay kumita ng $56.8 million na higit pa sa inaasahan ng film company.

Maging ang Lionsgate ay nagulat sa tagumpay ng pelikula at nahigitan din ang kita ng unang dalawang chapter.

Ang unang “John Wick” noong 2014 ay kumita lamang ng $14.4 million sa opening weekend nito habang ang “John Wick: Chapter Two noong 2017 ay kumita ng $30.4 million nang magbukas sa mga sinehan.

TAGS: 2021, John Wick, John Wick 4, Lionsgate Film, 2021, John Wick, John Wick 4, Lionsgate Film

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.