Barangay Kagawad patay sa pamamaril sa Maynila

By Ricky Brozas May 21, 2019 - 11:48 AM

Patay ang isang 63-anyos na kagawad ng barangay sa Tondo, Maynila matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek, Biyernes, May 21 ng umaga.

Nakilala ang biktimang si Kagawad Ernesto Sibug ng Brgy. 131, Balut, Tondo.

Ayon kay MPD-PIO Chief PCol. Carlo Manuel, batay sa paunang imbestigasyon, pasakay na si Sibug sa kanyang Mitsubishi Adventure sa bahagi ng Beltran Street.

Naisugod pa sa ospital si Sibug pero idineklara rin itong dead on arrival sa Tondo General Hospital.

Sumakay ang gunman sa sa isang itim na Toyota Fortuner na walang conduction sticker at hindi rin naman mabasa ang plaka nito mula sa kuha ng CCTV.

Inaalam pa ang motibo sa pamamaril.

TAGS: ambush, manila, Tondo, ambush, manila, Tondo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.