Sen. Kiko Pangilinan nagbitiw bilang pangulo ng LP

By Jan Escosio May 21, 2019 - 11:10 AM

Nagbitiw na bilang presidente ng Liberal Party (LP) ni Senator Francis Pangilinan.

Kinumpirma ni Pangilinan na ipinadala na niya ang kanyang resignation letter kay Vice President Leni Robredo, na siya naman chairperson ng kanilang partido.

Ayon sa senador, inaako niya ang buong responsibilidad sa pagkatalo ng Otso Diretso sa nagdaang midterm elections.

Sinabi nito bilang campaign manager hindi niya nasiguro ang tagumpay ng Otso Diretso at aniya walang ibang responsible sa kanilang pagkatalo kundi siya kaya’t iiwanan na aniya ang pagiging pangulo ng LP epektibo sa darating na Hunyo 30.

Sina re-electionist Sen Bam Aquino at dating Sen. Mar Roxas ang nakakuha ng pinakamaraming boto sa hanay ng mga kandidato ng Otso Diretso ngunit sila ay pang-14 at pang-16 lang sa puwesto.

TAGS: kiko pangilinan, liberal party, resignation, kiko pangilinan, liberal party, resignation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.