Pangulong Duterte hindi dadalo sa proclamation ng kanyang long-time aide na si senator-elect Bong Go

By Chona Yu May 21, 2019 - 10:50 AM

INQUIRER FILE PHOTO/JOAN BONDOC
Walang balak si Pangulong Rodrigo Duterte na dumalo sa nakatakdang proklamasyon ng kanyang long-time aide na si senator elect Christopher ‘Bong’ Go.

Sa pakikipag-ugnayan ng Radyo Inquirer sinabi ni Go na hindi sasama sa kanya sa PICC si Pangulong Duterte para sa proklamasyon.

Una rito sinabi ng Commission on Elections (Comelec) na naghahanda ang kanilang hanay sa posibilidad na dumalo ang pangulo sa proklamasyon ng mga nanalong senador.

Basesa advisory ng Malakanyang, nasa Palasyo lamang ang pangulo mamayang hapon para sa presentation ng credentials ng ambassador ng Thailand

Matatandaan na noong filing ng certificate of candidacy, biglang sinamahan ni Pangulong Duterte si Go sa tanggapan ng Comelec sa Intramuros, Manila para maghain ng kanyang kandidatura sa pag-kasenador.

TAGS: bong go, comelec, president duterte, Proclamation, Senator, bong go, comelec, president duterte, Proclamation, Senator

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.