Miss USA 2015 Olivia Jordan ibinunyag na siya ay biktima ng rape

By Dona Dominguez-Cargullo May 21, 2019 - 10:25 AM

Ibinunyag ni Miss Universe 2015 Olivia Jordan na siya ay namolestya at nagahasa noong siya ay teenager pa.

Ginawa ng beauty queen ang rebelasyon sa pamamagitan ng isang mahabang post sa Instagram.

Ani Jordan, nakaranas siya ng trauma dahil sa insidente at inabot ng maraming taon ang kaniyang recovery.

Ibinahagi din ni Jordan sa nasabing post ang kaniyang opinion sa batas tungkol sa abortion.

Ayon kay Jordan, bagaman magkaibang usapin ang gawing krimen ang aborsyon sa pagiging krimen ng rape, para sa kaniya ay pareho lamang ang isyu.

Sinabi ni Jordan na ang kaniyang pahayag ay hindi naman layong impluwensyahan ang paniniwala ng iba.

Wala aniyang maaring pumwersa sa sinoman na gawin ang abortion.

Anuman aniyang hakbang o aksyon na gagawin sa katawan ng babae na labag sa kaniyang kagustuhan ay mistulang pang-aabuso.

TAGS: abortion, Oilivia Jordan, rape, abortion, Oilivia Jordan, rape

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.