Kasalukuyang senate leadership hindi na babaguhin sa 18th congress

By Dona Dominguez-Cargullo May 21, 2019 - 09:52 AM

Wala nang balak na palitan ang liderato ng senado sa sandaling makapasok na at magsimula na sa panunungkulan ang mga bagong maihahalal na senador.

Ayon kay Senate President Tito Sotto, napag-usapang hindi na baguhin pa ang kasalukyang liderado ng mataas na kapulungan at i-carry over na lamang sa 18th congress.

Karamihan naman kasi ani Sotto sa kasalukuyang mga senador at sa mga reelectionist, gayundin sa mga bagong papasok sa senado ay kaalyado ng senate leadership.

Pagpasok ng 18th congress ay aabot na sa 20 ang miyembro ng super majority sa Senado.

Paliwanag pa ni Sotto kung tutuusin ang minority naman sa Senado ay nagsisilbi lamang na “fiscalizers”.

Bagaman oposisyon umano ang mga ito sa administrasyon ay hindi naman talaga sila oposisyon sa Senado.

Aminado naman si Sotto na kabawasan sa problema ng Senado ang bawas sa bilang ng minority senators.

TAGS: 18th congress, senate leadership, Vicente Sotto III, 18th congress, senate leadership, Vicente Sotto III

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.