Sasakyan na umararo sa iba pang sasakyan sa Maynila, carnap ayon sa Manila Traffic
Lumalabas na carnap ang inabandonang Toyota Vios na sangkot sa pag-araro sa napakaraming sasakyan at nag-iwan pa ng dalawang sugatan sa bahagi ng JP Laurel St. at Muelle de Sampaloc sa Maynila.
Ito ang lumabas sa imbestigasyon ng Manila District Traffic Enforcement.
Ayon kay Capt. Jaime Gonzales, hepe vehicular accident investigation unit ng Manila Traffic, ang Toyota Vios ay may plaka na UKE 450 at pagmamay-ari ng isang doktora.
Aniya, na-carnap ang nasabing sasakyan noong Abril 22 sa bahagi ng Cavite habang minamaneho ng kapatid ng doktora bilang Grab Car at simula noon ay nawala na rin ang kapatid ng duktor.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, may isa pang pagkakataon na pinagamit ng suspek ang sasakyan sa ibang driver at simula noon ay nawala rin ang isa pang nagmaneho nito.
May nakuha ang mga pulis na dalawang pares ng iba pang plaka ng sasakyan, 1 plaka na ang nakalagay ay PNP, isang magazine ng 9mm na baril at mga bala nito.
Ang sasakyan ay pag-aari ng isang duktor at na-carnap ang sasakyan sa Cavite noong Abril.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.