Ginang arestado sa pagtutulak ng ilegal na droga sa Lemery, Batangas

By Dona Dominguez-Cargullo May 21, 2019 - 08:30 AM

Hindi na nakapalag pa ang isang ginang matapos arestuhin ng mga operatiba ng Municipal Drug Enforcement Team ng Lemery Municipal Police Station sa Brgy. Sangalang, Lemery, Batangas.

Kinilala ang suspek na si Anna Carla Dimailig, 33 anyos na nagbenta ng bawal na gamot sa isang pulis na nagpanggap na bibili ng bawal na gamot sa suspek.

Nakuha sa suspek ang isang maliit na plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at buy-bust money na P500.

Si Dimailig ay minsan nang sumuko sa Oplan Tokhang at ang pagkahuli umano ng suspek ay may malaking impact ito sa kanyang mga kabarangay sa Brgy. Sangalang.

TAGS: Batangas, buy bust, Lemery, War on drugs, Batangas, buy bust, Lemery, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.