GOT finale nakakuha ng 19.3 million viewers

Umabot sa 19.3 million ang naitalang viewers ng finale ng “Game of Thrones” at napanatili nito ang rekord bilang most watched television series sa kasaysayan ng HBO.

Ang datos ng viewers ay mula sa lahat ng platforms na kinabibilangan ng HBO, HBO Go, at HBO NOW.

Nalagpasan pa nito ang 18.4 million viewers na naitala noong nakaraang linggo.

Ang season 8 ng Game of Thrones ay nakapagtala ng average na 44.2 million viewers kada episode na tumaas ng 10 million viewers kumpara sa season 7.

Hawak din ng GOT ang rekord bilang most-watched single telecast sa kasaysayan ng HBO na 13.6 million viewers para sa 9PM airing.

Ang naturang rekord ay hawak noon ng “The Sopranos” taong 2002 kung saan nagkaroon ito ng 13.4 million viewers para sa season 4 premiere.

Ang rekord naman para sa most-watched US television show ay hawak pa rin ng Korean War comedy na “MASH” na nakakuha ng halos 106 million viewers para sa final episode noong 1983.

Read more...