Sa lagay ng panahon ngayong araw ng Martes, May 21, apektado ng frontal system ang extreme northern Luzon.
Ang frontal system ay maghahatid ng maulap na papawirin na mayroong kalat-kalat na pag-ulan sa Batanes at Babuyan Group of Islands.
Ang Metro Manila naman at nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas ng maaliwalas na panahon.
Magkakaroon lamang ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin at mayroong biglaang buhos ng ulan sa hapon o gabi dahil sa localized thunderstorms.
Wala namang inaasahang sama ng panahon na mabubuo o papasok sa bansa sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.