Pangasinan at Agusan del Norte niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.5 na lindol ang bayan ng Bolinao sa lalawigan ng Pangasinan.

Naitala ang pagyanig sa 53 kilometers northwest ng Bolinao, alas 2:59 ng madaling araw ng Martes, May 21.

May lalim na 16 kilometers ang pagyanig at at tectonic ang origin.

Samantala, alas 3:12 naman ng madaling araw nang tumama ang magnitude 4.0 na lindol sa Remedios Romualdez, Agusan del Norte.

13 kilometers ang lalim ng pagyanig at tectonic ang origin.

Naitala ang Intensity I sa Gingoog City.

Hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks ang magkasunod na pagyanig.

Read more...