Agawan ng committee chairmanships sa Senado simula na

By Len Montaño May 21, 2019 - 04:55 AM

Nagsimula na ang “lobbying” o agawan ng chairmanships sa mga malalaking committee sa Senado.

Ibinunyag ni Senate Majority Leader Migz Zubiri na matindi ang agawan ng committee chairmanships ngayon.

“Grabe na ‘yung lobbying ngayon, there’s a lot of jockeying for posts,” ani Zubiri.

Ayon kay Zubiri, ilang committee chairmanships ang napagdesisyunan na pero tumanggi itong pangalanan kung sinong senador ang nakakuha ng partikular na komite.

Ilan sa mga pinag-aagawang komite sa Senado ang finance, justice, blue ribbon, health at education.

Dahil sa “equity of the incumbent rule,” mananatili kay Sen. Richard Gordon ang Blue Ribbon Committee.

Ang Finance Committee naman ay malamang na mapunta kay Sen. Sonny Angara.

Samantala, si Senator-elect Bong Go ay nagpahayag ng interes sa Health Committee at posibleng pagbigyan ng mayorya ang hiling nito.

Habang isa pang incoming senator na si Ronald Dela Rosa ay posibleng pamunuan ang Committee on public order.

TAGS: agawan, bong go, Chairmanship, committee, lobbying, Ronald dela Rosa, Sen. Migz Zubiri, Senado, agawan, bong go, Chairmanship, committee, lobbying, Ronald dela Rosa, Sen. Migz Zubiri, Senado

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.