Vote Counting Machines maayos ang pagkakagawa sa Taiwan ayon sa Comelec
Napahanga umano ang Comission on Elections o COMELEC sa “high tech” at episyenteng pagma-manufacture ng Smartmatic-TIM ng mga vote counting machines o VCM na gagamitin sa halalan sa 2016.
Pero patuloy pa ring magbabatay ang poll body para masiguro na masusunod ang timeline sa paghahanda para sa eleksiyon.
Iyan ang pahayag ni COMELEC Commissioner Andres Bautista kaugnay nang pagbisita nila kasama ang ilang mga mambabatas at mga miyembro ng media sa VCM manufacturing facility sa Taiwan.
Kasama sa mga bumisita ay sina House Committee on Suffrage and Electoral Reform Chair, Representative Fred Castro at mga miyembro ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting.
Dalawang pasilidad ang binisita ng grupo na krusyal sa produksiyon ng mga VCM.
Ito ay ang mainboard factory at assembly factory na mayroong mahigit pitong daang mga manggagawa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.