Ang rebate ay bahagi ng multa sa Manila Water na ipinataw ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS).
Papatak sa billing sa Hunyo ng lahat ng customers ng Manila Water ang bawas sa unang 10 cubic meters na konsumo.
Dahil dito ay nasa P150 milyon ang katumbas na balik bayad ng Manila Water.
Nasa P2,197.94 naman ang rebate sa bawat isa sa 140,000 costumers na matinding naapektuhan o nakaranas ng walang tubig sa loob ng 7 araw.
Ayon kay MWSS Chief Regulator Patrick Ty, hindi man sapat ang rebate ay patunay ito na may ginawa ang ahensya kaugnay ng water crisis.
Iginiit naman ni Manila Water spokesman Jeric Sevilla na tatalima sila sa utos ng MWSS.
Sa P1.13 bilyong multa ng Manila Water, mapupunta ang P660 milyon sa mga proyektong hindi pwedeng singilin ng kumpanya sa mga costumers habang sa rebate naman mapupunta ang P534 milyon.
May supply na ng tubig ang mahigit 99 percent ng customers ng Manila Water pero mahina pa rin ang pressure ng tubig sa ilang lugar na sakop ng water utility.