2 lalaki arestado sa buy-bust sa Quezon City

By Rhommel Balasbas May 21, 2019 - 04:34 AM

Timbog ang isang lalaking nagpapanggap na pulis sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Cubao, Quezon City.

Ayon kay Pol. Captain Ramon Acquiatan, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng QCPD Station 7, nakilala ang suspek na si alyas ‘Jayson’.

Sa loob anya ng mga motel nagbebenta ng iligal na droga ang suspek na dati na ring drug surrenderee.

Nakuhaan ito ng 12 sachet ng hinihinalang shabu.

Aminado ang suspek na gumagamit at nagbebenta ng shabu ngunit itinanggi na sa kanya ang nakuhang mga droga.

Samantala, isa pang buy-bust operation ang isinagawa sa Broadway cor. Aurora Boulevard.

Arestado ang delivery boy na nakilala sa alyas na ‘Mark’ na nakuhaan ng 13 sachet ng hinihinalang marijuana na tinatayang nagkakalaga ng P6,000.

Pero depensa ng suspek, nautusan lamang siya na magpadala ng package ng kaibigang call center agent.

Mahaharap ngayon ang dalawa sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002

TAGS: buy bust, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, drug surrenderee, nagpanggap na pulis, package, quezon city, shabu, buy bust, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, drug surrenderee, nagpanggap na pulis, package, quezon city, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.