DOTr itutulak sa 18th Congress ang emergency powers para sa trapiko
Ihihirit ng Department of Transportation (DOTr) sa 18th Congress ang pagpasa sa emergency powers na kailangan para masolusyonan ang lumalalang problema sa trapiko ng bansa.
Sa panayam ng media kay DOTr Secretary Arthur Tugade araw ng Lunes, tiniyak nito na walang magiging korapsyon sa implementasyon ng mga proyekto sakaling ipasa bilang batas ang panukalang emergency powers.
Ani Tugade, dapat isama ng mga mambabatas sa kanilang agenda ang emergency powers.
Naisumite na anya ng kagawaran ang lahat ng kinakailangang dokumento para rito.
Ang pahayag ni Tugade ay matapos ianunsyo ni dating Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman at winning senator Francis Tolentino ang intensyong i-refile ang panukala.
Dalawang taon nang nakabinbin ang panukalang emergency powers sa dalawang kapulungan ng Kongreso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.