Umarangkada na ang “Ad Limina apostolorum” visit ng mga Filipino bishops sa Vatican.
Araw ng Lunes ay nakapulong ng mga obispo mula sa Luzon sa pamumuno ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle si Pope Francis.
Lahat ng obispo sa buong mundo ay kailangang lumahok sa Ad Limina visits upang maiulat sa Santo Papa ang nagaganap sa kanilang mga nasasakupang arkidiyosesis at diyosesis.
Tradisyonal na isinasagawa ang Ad Limina visits tuwing ikalimang taon.
Sa mga larawang inilabas ng Vatican news, makikita ang pulong ng Santo Papa sa mga obispo ng Luzon kasama si Tagle.
Nauna nang sinabi ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na mula ngayong Mayo hanggang Hunyo ay aarangkada ang Ad Limina visits ng Filipino Bishops.
Hinati ang mga obispo sa tatlong grupo o mula sa Luzon, Visayas at Mindanao at bawat grupo ay may pulong sa Santo Papa.
Ito ang kauna-unahang Ad Limina visit ng Filipino bishops kay Pope Francis kung saan ang huli ay noon pang 2011 sa ilalim pa ni Pope Benedict XVI.