Ending ng Game of Thrones, umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa fans

By Len Montaño May 21, 2019 - 02:48 AM

Magkaka-iba ang naging reaksyon ng mga fans sa pagtatapos ng HBO medieval fantasy series na Game of Thrones.

May ilang fans ang nalungkot, ang iba ay nagalit habang mayroon naman na nais pang magpatuloy ang palabas.

Sa 80 minutong ending episode ay mapapanood ang pagsunog sa Iron Throne at pagkamatay ng pangunahing karakter na si Daenerys Targaryen, Mother of Dragons and Breaker of Chains, na ginampanan ng Hollywood actress na si Emilia Clarke.

Ilang fans ang nagsabi na anti-climax ang saga ending at itinuring ang pagtatapos na disaster na hindi umano deserve ng publiko.

Nostalgic naman ang pakiramdam ni Clarke ngayong tapos na ang Game of Thrones.

Ayon sa aktres nagkaroon siya ng dalawang magkaibang pagkatao dahil sa 8 taon niyang pagganap sa serye.

Aminado si Clarke na malungkot ang cast na tapos na ang kanilang palabas.

Ngayong tapos na ang Game of Thrones, hindi naman nag-aalala si Clarke na mananatili sa kanya ang matapang na karakter.

TAGS: anti-climax, Daenerys Targaryen, Emilia Clarke, ending, Game of Thrones, hbo, medieval series, nagalit, nalungkot, pagtatapos, anti-climax, Daenerys Targaryen, Emilia Clarke, ending, Game of Thrones, hbo, medieval series, nagalit, nalungkot, pagtatapos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.