Lalaki umakyat sa Eiffel Tower sa France

By Len Montaño May 21, 2019 - 02:26 AM

AP photo

Nagpatupad ng evacuation sa Eiffel Tower matapos umakyat ang isang lalaki sa naturang iconic Paris landmark.

Ayon sa operating company ng Eiffel Tower na SETE, dahil may climber, standard procedure na pigilan ang umakyat sa tower at i-evacuate ang mga tao.

Kabilang sa mga inilikas ang mga turista na nasa esplanade sa ilalim ng tower at sa malaking bahagi ng Champ de Mars park.

Inabisuhan din ang publiko na ipagpaliban muna ang pagbisita nila sa Eiffel Tower.

Nailigtas na ang lalaking umakyat sa tower pero wala pang detalye kung bakit niya ito ginawa.

Dismayado naman ang mga turista na galing pa sa malalayong lugar na bigong makapasok sa Eiffel Tower.

TAGS: Champ de Mars park, climber, Eiffel Tower, evacuate, Paris landmark, SETE, Champ de Mars park, climber, Eiffel Tower, evacuate, Paris landmark, SETE

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.