Huawei devices ng Globe at PLDT-Smart hindi apektado ng US ban

By Rhommel Balasbas May 21, 2019 - 02:10 AM

Tiniyak ng Globe Telecom at PLDT-Smart na hindi apektado ng ipinatutupad na ban ng US companies sa Huawei ang devices ng tech giant sa kanilang networks.

Magugunitang sinuspinde na ng Google ang hardward at software supplies nito sa Huawei makaraan ang utos ng United States dahil sa isyu ng umano’y spying.

Sa pahayag ng Globe, sinabi nitong tiniyak sa kanila ng Huawei na patuloy na makatatanggap ng security updates at after-sales services ang devices users ng Globe.

Ganito rin ang sinabi ng PLDT-Smart at mananatili umanong magagamit nang normal ang Huawei devices ng kanilang network.

Parehong gumagamit ang dalawang telco ng Huawei equipment sa kanilang networks at nagbebenta rin ng Huawei phones sa kanilang subscribers.

Ikinukonsidera rin ng dalawang telco ang paggamit ng Huawei equipment sa roll out ng 5G services sa bansa.


TAGS: 5G services, ban, globe telecom, google, hindi apektado, Huawei, pldt-smart, spying, US, 5G services, ban, globe telecom, google, hindi apektado, Huawei, pldt-smart, spying, US

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.