LOOK: Mga bagong mapaminsalang barko ng China balik sa West PH Sea

By Len Montaño May 21, 2019 - 01:47 AM

Nabunyag sa bagong satellite images ng Asia Maritime Transparency Initiative-Center for Strategic and International Studies na bumalik sa West Philippine Sea ang mga mapaminsalang barko ng China.

Ayon sa report ng AMTI-CSIS, makikita sa satellite images ang presensya sa nakalipas na 6 na buwan ng mga barko ng China na ginagamit sa pag-harvest ng mga clam.

AMTI-CSIS photo

“Satellite imagery shows that clam harvesting boats have been operating with regularity at Bombay Reef in the Paracel Islands since late 2018, as evidenced most clearly by the sediment plumes visible in images from April 11. Those plumes, along with the scarring spread across the reef surface, are the telltale signs of the prop-digging method of extraction used during the earlier phase of clam harvesting,” nakasaad sa report.

Sa mga unang satellite images noong February 14 at November 4, 2018 ay makikita ang clam harvesting sa isang teritoryo.

Kita sa mga imahe ang pinsalang iniwan ng mga kagamitan ng mga nag-harvest ng clam.

Noong December 8, 2018 ay bumalik ang mga barko ng China sa Scarborough Shola.

Sa mga imahe naman noong lamang March 8, 2019 ay makikita ang pinsala sa bahura mula sa ginawang extraction ng mga Chinese vessels.

Sinabi pa sa report ang ibang paraan ng pag-harvest ng mga clam mula sa mga reef.

TAGS: AMTI-CSIS, Barko, bumalik, China, harvesting, mapaminsalang barko, satellite images, West Philippine Sea, AMTI-CSIS, Barko, bumalik, China, harvesting, mapaminsalang barko, satellite images, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.