Panukalang batas sa mas maikling ‘work week’ aprubado na ng Senado

By Len Montaño May 20, 2019 - 11:53 PM

Inaprubahan na ng Senado ang panukalang batas na layong gawing “flexible” ang araw at oras ng trabaho ng mga manggagawang Pilipino.

Sa botong 17-0, inaprubahan ang bill na inihain ni Sen. Joel Villanueva. Isa ito sa mga panukalang batas na tinalakay ng Senado sa unang araw ng sesyon araw ng Lunes matapos ang May 13 elections.

Sa ilalim ng bill, pwede nang huwag sumunod ang empleyado sa schedule na 8 oras sa 5 araw sa isang linggo.

Maaari nang magkaroon ng “mutually agreed voluntary work arrangement” sa pagitan ng employer at empleyado.

Makakapili ang manggawa ng trabaho na mahabang oras pero mas kaunting araw basta ma-meet ang kailangang oras ng trabaho sa isang linggo na kalimitan ay 40 oras.

Pinagtibay naman ng Senado ang 48-hour labor limit sa kada linggo habang dapat mapanatili ang umiiral na mga benepisyo kahit mabago ang work schedule.

“Compressed workweek arrangement will not only reduce cost of work transit, but will also enable employees to allocate more time for other personal and social obligations, thus further promoting work-life balance,” nakasaad sa bill ni Villanueva.

Aprubado na rin ng Kamara ang naturang bill at pirma na lang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kulang para maging ganap na batas.

TAGS: 48-hour labor limit, bill, empleyado, employer, flexible, inaprubahan, mutually agreed voluntary work arrangement, panukalang batas, Senator Joel Villanueva, work week, 48-hour labor limit, bill, empleyado, employer, flexible, inaprubahan, mutually agreed voluntary work arrangement, panukalang batas, Senator Joel Villanueva, work week

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.