Sa abiso ng NTC, parehong binigyan ang Globe at PLDT/Smart ng 25 araw para ipaliwanag ang kanilang mabagal na internet at isyu sa data service.
Hanggang noong May 15 ay nakatanggap ng mga reklamo ang ahensya laban sa Globe mula sa Northern Mindanao (10%), Eastern Mindanao (20%), Caraga (5%), Davao Region (30%), Cebu City (55%), Metro Manila (56%), Cavite (45%), at Pampanga (39%).
Pinayuhan ng NTC ang mga apektadong subscribers na kung may reklamo laban sa dalawang telcos ay pumunta sa pinakamalapit nilang tanggapan.
Ayon sa ahensya, kung napatunayan na walang aksyon ang Globe at PLDT/Smart ay maaaring magpa-schedule ng hearing laban sa naturang mga telco.