Globe at Smart pinagpapaliwanag ng NTC dahil sa mabagal na internet

By Len Montaño May 20, 2019 - 11:21 PM

Pinagpapaliwanag ng National Telecommunications Commission (NTC) ang pangunahing telcos sa bansa na Globe Telecom at PLDT/Smart dahil sa mga reklamo ukol sa kanilang internet speed.

Sa abiso ng NTC, parehong binigyan ang Globe at PLDT/Smart ng 25 araw para ipaliwanag ang kanilang mabagal na internet at isyu sa data service.

Hanggang noong May 15 ay nakatanggap ng mga reklamo ang ahensya laban sa Globe mula sa Northern Mindanao (10%), Eastern Mindanao (20%), Caraga (5%), Davao Region (30%), Cebu City (55%), Metro Manila (56%), Cavite (45%), at Pampanga (39%).

Pinayuhan ng NTC ang mga apektadong subscribers na kung may reklamo laban sa dalawang telcos ay pumunta sa pinakamalapit nilang tanggapan.

Ayon sa ahensya, kung napatunayan na walang aksyon ang Globe at PLDT/Smart ay maaaring magpa-schedule ng hearing laban sa naturang mga telco.

TAGS: data service, Globe, internet speed, NTC, pldt, reklamo, Smart, telco, data service, Globe, internet speed, NTC, pldt, reklamo, Smart, telco

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.