Patay ang isang lalaki at 4 na katao ang sugatan matapos sumalpok ang isang jeepney sa isang van, isang bus at dalawang motorskilo sa Sampaloc, Manila Lunes ng umaga.
Ayon sa Manila Police District (MPD), nangyari ang karambola sa kanto ng Pureza Street at Ramon Magsaysay Boulevard.
Kinilala ang nasawi na si Bienvenido Luha Jr. na rider ng isa sa mga motorsiklo.
Nabatid sa imbestigasyon na binabagtas ng jeepney ang Ramon Magsaysay Boulevard nang masagi nito sa kaliwang bahagi ang bus at saka bumangga rin sa van at 2 motorsiklo.
Agad na namatay si Luna dahil sa aksidente.
Ang mga sugatan ay sina John Ly Espiritu, 26, Romeo Tolentino, 42, Nathaniel De Mesa, 44 at Fernando Florida, 39.
Nasa kustodiya na ng MPD ang driver ng jeepney na si Dennis Falcotila, 49.
Nahaharap ito sa kasong reckless imprudence resulting in homicide with physical injuries and damage to property.