Duterte nagkaroon ng ‘private time’ kay Honeylet at Kitty
Nagkaroon ng private time si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang partner na si Honeylet Avanceña at anak na si Veronica o Kitty nitong weekend sa Bahay Pagbabago sa Malakanyang.
Pahayag ito ng Palasyo matapos kumalat ang balita na isinugod sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City si Pangulong Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ito ang dahilan kung kaya hindi nakita sa publiko si Pangulong Duterte simula noong Biyernes.
Ayon pa kay Panelo, nakipag-bonding ang Pangulo sa kanyang mag-ina.
Hindi rin aniya sumama ang pakiramdam ng Pangulo para magtungo ito sa ospital.
Huling nagkaroon ng public appearance ang Pangulo noong May 13 nang bomoto sa midterm elections.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.