Duterte hindi bubuwagin ang K-12 Program

By Chona Yu May 20, 2019 - 09:41 PM

Walang balak si Pangulong Rodrigo Duterte na buwagin ang implementasyon ng K-12 Program.

Tugon ito ng Palasyo sa pagkalat sa social media na tatanggalin na ang K-12.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, walang inuutos si Pangulong Duterte na tanggalin na ang implementasyon ng K-12.

Sa ilalim ng K-12 Program, dinagdagan ng dalawang taon ang kasalukuyang apat na taong pag-aaral ng mga estudyante sa high school.

Una rito, nagpalabas na rin ng paglilinaw ang Department of Education (DepEd) na nire-review lamang ng kanilang hanay ang sistema ng K-12 Program at hindi ang pagbuwag dito.

TAGS: 2 taon, deped, estudyante, high school, hindi bubuwagin, K to 12 program, Presidential spokesman Salvador Panelo, Rodrigo Duterte, walang utos, 2 taon, deped, estudyante, high school, hindi bubuwagin, K to 12 program, Presidential spokesman Salvador Panelo, Rodrigo Duterte, walang utos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.