NBOC, nagpatuloy sa pag-canvass ng nalalabing limang COC
Nagbalik na ang Commission on Elections (Comelec) na nagsisilbing National Board of Canvassers (NBOC) sa pag-canvass ng nalalabing limang certificate of canvass (COC), Lunes ng gabi.
Naunang nag-convene ang NBOC bandang 1:45 ng hapon ngunit agad ding sinuspinde dahil wala pang natatanggap na bagong transmission.
Hinintay ng Comelec ang mga COC mula sa probinsya ng Isabela at overseas absentee voting centers sa bahagi ng Japan, Saudi Arabia, Nigeria at Washington DC sa Amerika.
Nagkaroon ng delay sa resulta ng mga overseas absentee voting dahil sa isyu sa SD cards.
Nagpadala pa ang poll body ng ipapalit na SD cards sa mga apektadong lugar.
Nahuli naman ang COC sa Isabela dahil sa insidente ng pagsunog ng dalawang vote counting machine sa bayan ng Jones noong May 14.
Inaasahang matatapos ang pagbibilang sa mga boto, Lunes ng gabi.
Dahil dito, posibleng maiproklama ang mga mananalong senador at party-list representative sa araw ng Martes, May 21.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.