1 patay, 2 sugatan sa banggaan sa Sultan Kudarat
Patay ang drayber ng trak habang sugatan ang dalawang iba pang drayber matapos magbangaan sa national highway sa Isulan, Sultan Kudarat araw ng Lunes.
Ayon kay Capt. Jonathan Gazo, hepe ng Isulan Central Fire Station, sumiklab ang apoy sa dalawang sasakyan makaraang magkabanggaan sa Barangay Mapantig pasado 6:00 ng umaga.
Kabilang sa aksidente ang isang Isuzu 12-wheeler wing-van, isang Isuzu dump truck at isang Toyota Town Ace passenger jeep.
Nasawi ang drayber na si Rene Aporada, residente ng bayan ng Esperanza, nang tumama ang ulo sa Isuzu wing van dahil sa lakas ng impact.
Ayon pa sa mga imbestigador, patungo sana ang trak sa Isulan nang mag-overtake sa Toyota Townace na sasakyan.
Dahil dito, nabangga ang trak sa kasalubong na Isuzu wing van sa kabilang lane.
Ang sumiklab naman na sunog ang naging sanhi ng tinamong sugat nina Nilo Cabuhay at Andal Usop.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.