Ilang bahagi ng nawawalang trainer plane, lumutang na sa Mindoro Strait

By Jan Escosio May 20, 2019 - 07:47 PM

Natagpuan na sa kalagitnaan ng Mindoro Strait ang ilang bahagi ng nawawalang Beechcraft Baron 55 (BE55) trainer aircraft.

Unang iniulat ng isang search and rescue team na unang nakita ang personal bag ng nawawalang piloto na si Capt. Jose Yapparco sa karagatang sakop ng bayan ng San Jose pasado 11:00 ng tanghali.

Kasunod nito, ang pagkakadiskubre ng ilang lumulutang na bahagi ng eroplano na pag-aari ng Orient Aviation Corp.

Samantala, hindi pa rin natatagpuan ang piloto at ang student-pilot na si Abdullah Alsharif, isang Saudi national.

Patuloy naman ang pag-iimbestiga ng Aircraft Accident Investigation and Inquiry Board ng Civil Aviation Authority of the Phils. (CAAP) sa insidente na nangyari noong Biyernes.

TAGS: Abdullah Alsharif, Beechcraft Baron 55, Capt. Jose Yapparco, Mindoro Straight, Abdullah Alsharif, Beechcraft Baron 55, Capt. Jose Yapparco, Mindoro Straight

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.