Sunog sa Sampaloc, Manila, 20 pamilya ang apektado

sampaloc manilaTinupok ng apoy ang dalawang palapag na apartment sa Bataan Street, Sampaloc, Maynila kaninang alas kuwatro ng umaga.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, nahahati sa pitong kuwarto ang naturang apartment.

Isang residente ang nasugatan habang aabot sa dalawampung pamilya ang naapektuhan ng sunog.

Umabot lamang sa ikatlong alarma ang sunog bago naideklarang fire-out kaninang alas singko ng umaga.

Tinatayang aabot sa dalawang daang libong pisong halaga ng mga ari arian ang nasunog.

Inaalam pa ng mga otoridad ang sanhi ng sunog.

Read more...