Publiko, walang dapat ikabahala sa kalusugan ni Pangulong Duterte – Palasyo

By Chona Yu May 20, 2019 - 07:42 PM

Malusog at upbeat si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang pagtitiyak ng Palasyo ng Malakanyang sa gitna ng alingasngas na isinugod sa Cardinal Santos Medical Center si Pangulong Duterte.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, walang dapat na ipag-alala ang taong bayan dahil walang sakit ang pangulo.

Wala rin aniyang nangyaring masama sa pangulo nang hindi na makita ng publiko matapos ang pagboto noong May 13.

Kaya hindi aniya nagpapakita ang pangulo sa publiko dahil sa ayaw maabala sa trabaho.

Nasa Bahay Pagbabago lamang aniya ang pangulo at inatupag ang pagpirma ng mga papeles.

Tinawanan din lang aniya ng pangulo ang ulat na naisugod siya sa ospital.

TAGS: Cardinal Santos Medical Center, kalusugan, Rodrigo Duterte, Salvador Panelo, Cardinal Santos Medical Center, kalusugan, Rodrigo Duterte, Salvador Panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.