Taas-presyo, ipatutupad sa mga produktong petrolyo sa Martes (May 21)

Matapos ang dalawang linggo rollback, magpapatupad ang ilang kumpanya ng langis ng dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo simula sa araw ng Martes, May 21.

Sa abiso ng Petro Gazz at Shell, karagdagang 80 centavos ang ipapataw sa kada litro ng diesel habang 90 centavos naman sa kada litro ng gasolina.

Ganito rin ang oil price adjustment ng mga kumpanyang Total at Eastern Petroleum.

Magkakaroon naman ng taas-presyong 75 centavos ang Shell sa kada litro ng kanilang kerosene o gaas.

Ipatutupad ang oil price adjustement simula sa 6:00, Martes ng umaga.

Read more...